♫♫♫♫♫
Lunes na naman
Imbis na inis ang aking dimdim
Nanumbalik ang aking ngiti
Ang alam ko lang naman
Tuwing kasama ko sila
Tila ako'y naiilang
Pero iba ang saya pagkasama kita
Nako eto na nga ba
Ahh, sa bawat tanong
Ikaw lamang ang sagot ko,
kahit pa
Tinanong nila kung sino
ang tipo ko
At ang tanging naiisip ko lang
Ang pangalan mo
Ang pangalan mo
Natapos ang dapit-hapon
Nung bigla kang nag-aya
upang magkita tayo
Habang kumukuha ng litrato
Ikaw lang ang pinagmamasdan ko
Nung masilayan kita
mundo ko'y naiba
Sadyang ikaw na nga
Ahh, sa bawat tanong
Ikaw lamang ang sagot ko,
kahit pa
Tinanong nila kung sino
ang tipo ko
At ang tanging naiisip ko lang
Ang pangalan mo
Ahh, alam mo ba
Ikaw sagot sa panalangin ko,
kahit pa
Tinanong nila kung sino
ang tipo ko
At ang tanging naiisip ko lang
Ang pangalan mO
Ahhh, ang pangalan mo (ahhh)
Pero iba ang saya pagkasama kita
No comments:
Post a Comment