♫♫♫♫♫
Yo.
Alam niyo ang lagi kong
nararamdamang ipagpasalamat
sa mundo kung nasaan man ako ngayon.
Lahat ng mga binigay niya sa akin:
kaibigan, pamilya,
senaryo sa buhay ko,
lahat ng mga kamalian at tagumpay.
Parte lahat 'yan ng pagkabuhay natin,
kaya patuloy lang.
'Di man lagi sasang-ayon
sa atin ang mundo
Pasalamat ka pa rin kasi
gang ngayon narito
Masakit man tanggapin,
totoo na merong sundo
Pasalamat ka pa rin sa mga
binigay niyang yugto
Sa sobrang lawak ng mundo,
kasing lawak ng iyong isipan
Kaya bago mo gawin
ay mabuti mong pag-isipan
Kasi 'di pa lagi sasang-ayon
sa iyo ang mundo
Pero 'wag mo 'yong gawing dahilan
para ka huminto
Kalmahan mo lang, 'wag madaliin
Kahit puro kamalian,
buhay ka pa rin
Pagbabago alam ko mahirap na gawin
'Wag masyado naisipin,
makakarating ka rin
Sa mga gusto mong mapuntahan
Laro ng buhay madalas mapag-tripan
Danas ko 'yan lahat,
alam ko 'yong bigat
Ganun pa man,
mas lalo kong ginalingan
'Di ko na inisip kung anong
pwedeng mangyari
Sa aking pangarap,
tuon at nagbakasakali
Na balang araw matupad lahat
at makasali
Ngayon ang tinig ko'y mahal
na ng nakararami
Parang kahapon lang mula
nung maisipan
Kung naayos na sarili
kong isipan
Ngayon abot-tanaw ko na
ang kalinisan
Salamat sa mga kaibigan
'di lumisan
'Di man lagi sasang-ayon
sa atin ang mundo (ang mundo)
Pasalamat ka pa rin kasi
gang ngayon narito (narito)
Masakit man tanggapin,
totoo na merong sundo (sundo)
Pasalamat ka pa rin sa mga
binigay niyang yugto (yugto)
Sa sobrang lawak ng mundo,
kasing lawak ng iyong isipan
Kaya bago mo gawin
ay mabuti mong pag-isipan
Kasi 'di pa lagi sasang-ayon
sa iyo ang mundo (ang mundo)
Pero 'wag mo 'yong gawing dahilan
para ka huminto (huminto)
Ngayon pa lang handa na ako
na tanggapin
Marami pang pagsubok sa akin
na paparating
Hindi takot, susubok hanggang
sa makarating
Sa buhay na pinapangarap ko
na abutin
Alam ko ang kakayahan
nitong isipan
Kaya mas lalo ko pa pinag-iigihan
Payapang buhay laging
pinanggigigilan
Kasi alam ko na lahat ng 'to
'di madalian
Paulit-ulit tayong magkakamali
Paulit-ulit din tayong matututo
Paulit-ulit tayong masasaktan
hangga't hindi pa tayo
tuluyang natututo
Ganyan lang ang buhay,
halos paulit-ulit lang ang lahat
Kailangan mo lang talaga mahanap
'yong tamang bagay
at mga tao na para sa iyo
Para hindi mo mamalayan 'yong
paulit-ulit na pag-ikot ng mundo
'Di man lagi sasang-ayon
sa atin ang mundo (ang mundo)
Pasalamat ka pa rin kasi
gang ngayon narito (narito)
Masakit man tanggapin,
totoo na merong sundo (sundo)
Pasalamat ka pa rin sa mga
binigay niyang yugto (yugto)
Sa sobrang lawak ng mundo,
kasing lawak ng iyong isipan
Kaya bago mo gawin
ay mabuti mong pag-isipan
Kasi 'di pa lagi sasang-ayon
sa iyo ang mundo (ang mundo)
Pero 'wag mo 'yong gawing dahilan
para ka huminto (huminto)
No comments:
Post a Comment