Tala, tala, tala
Ang ningning
ng mga tala'y
nakikita ko
sa'yong mga mata
Tala, tala, tala
Ang ningning
ng 'yong mga mata'y
nahanap ko sa mga tala
Siguro nga't
masyadong mabilis
ang pagyanig
Ng puso ko para
sa puso mo
Siguro nga ako
ay makulit,
ayaw makinig
Sa takbo ng isip,
hindi ko maipilit
Tila ako'y
nakalutang na sa langit
Ngunit nalulunod
sa'yong mga ngiti
At kung hanggang
dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan
ang daang tinahak
na kapiling ka
At kung umabot
tayo hanggang dulo
Kapit lang
nang mahigpit
Aabutin natin
ang mga tala
Tala, tala, tala
Ang ningning
ng mga tala'y
nakikita ko
sa'yong mga mata
Tala, tala, tala
Ang ningning ng 'yong
mga mata'y nahanap ko
sa mga tala
Maaring kinabukasan
ay mag-iba ng
Ihip ng iyong ninanais
Ngunit maaari bang
kahit na
pansamantala lang
Ikaw muna'y
maging akin?
Tila ako'y
nakalutang na
sa langit
Ngunit nalulunod
sa'yong mga ngiti
At kung hanggang
dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan
ang daang tinahak
na kapiling ka
At kung umabot
tayo hanggang dulo
Kapit lang nang mahigpit
Aabutin natin
ang mga tala
Tala, tala, tala
Ang ningning
ng mga tala'y
nakikita ko
sa'yong mga mata
Tala, tala, tala
Ang ningning
ng 'yong mga mata'y
nahanap ko sa mga tala...
(Tala, tala, tala)
(Tala, tala, tala)
Hindi man ako
nilagay sa mundong ito
para sa iyo
Parang nakatingin
ang buong daigdig
'pag ako'y
yakap-yakap mo
At kung hanggang dito
lang talaga tayo
Hindi pababayaan
ang daang tinahak
na kapiling ka
At kung umabot
tayo hanggang dulo
Kapit lang
nang mahigpit
Aabutin natin
ang mga tala
Tala, tala, tala
Ang ningning
ng mga tala'y
nakikita ko
sa'yong mga mata
Tala, tala, tala
Ang ningning
ng 'yong mga mata'y
nahanap ko sa mga tala
Ha, ah-ah-ah
Ha, ah-ah-ah
Ang ningning
ng mga tala'y
nakikita ko
sa'yong mga mata
Nakikita ko
sa'yong mga mata
Ang ningning
ng 'yong mga mata'y
nahanap ko sa mga tala
No comments:
Post a Comment