-----
Pwede ba akong tumambay
dyan sa puso mo
Parang masyado na
yatang gasgas
ang banat na 'to
Kailan kaya ako makakaisip
ng linyang para sa 'yo
Gusto ko lang naman ay
makamit ang matamis mong 'oo'
Pwede ba kitang ligawan
Kahit 'di maganda
ang mga linyahan
Bibigay ko nang buo
ang oras ko
Kasi do'n alam kong
magaling ako
Pwede ba kitang ligawan
Oo o hindi
Ikaw ay lagi kong pupuntahan
Kahit malayo pa 'yan
Pati ang nanay mo'y
aking dadalhan
Ng paborito niyang ulam
At kahit pahirapan pa
Ako ng tatay mo hindi aatras
Kasi gusto kita
Gustong-gusto,
gustong-gusto kita
Pwede ba kitang ligawan
Kahit 'di maganda
ang mga linyahan
Bibigay ko nang buo
ang oras ko
Kasi do'n alam kong
magaling ako
Pwede ba kitang ligawan
Oo o hindi
No comments:
Post a Comment