-----
Bakit kailangan pang
mabuhay ni Jose Rizal
Para lang isulat ang
istorya nating dalawa
Eh meron naman tayong
sariling mga pahina
Pwede yun pagdugtungin
at gawin nating nobela
‘Di na kailangan pang
istorbohin yung na kay G
‘Lika nga sa tabi ko
reverse Noli Me Tangere
Ako yung Crisostomo
Ibarra mo binibini
At tanging kay Maria Clara lang
ang aking mga ngiti
‘Di totoong mestisa
hanap hanap ko
‘Di mo ba kilala
ang iyong Crisostomo
‘La akong pake sa
Chinitang mestisa
Ang gusto ko’y tulad mo na
dalagang Pilipina
Baka pwede ka na
maging Mrs. Ibarra
Tayo mismo gagawa
ng panibago nating nobela...
Gagawin ko ang lahat
oh aking Maria Clara
Walang kinatatakutan po
ang iyong Ibarra
Kahit sinong kolonisador
ay haharangin ko
Ultimo bala ni
Padre Salvi ako sasalo
Ano binibini G?
bawal ka nang tumanggi
Rebisahin natin ang
lumang Noli Me Tangere
Sorry Dr. Jose P.
ito’y bagong HEKASI
Gagawa kami ng bagong
storya na pang history
‘Di totoong mestisa
hanap hanap ko
‘Di mo ba kilala
ang iyong Crisostomo
‘La akong pake
sa Chinitang mestisa
Ang gusto ko’y tulad mo
na dalagang Pilipina
Baka pwede ka na
maging Mrs. Ibarra
Tayo mismo gagawa ng
panibago nating nobela...
‘Di lang ‘to basta
basta isang kanta
Ito’y liham ng panliligaw
kay Maria Clara
Sana’y maabot ng tulang ito
ang puso mo
Ang puso mo
Para malaman mong ikaw lang
talaga ang aking gusto oh oh
‘La akong pake sa
Chinitang mestisa
Ang gusto ko’y tulad mo
na dalagang Pilipina
Baka pwede ka na
maging Mrs. Ibarra
Tayo mismo gagawa ah
‘La akong pake sa
Chinitang mestisa
Ang gusto ko’y tulad mo
na dalagang Pilipina
Baka pwede ka na
maging Mrs. Ibarra
Tayo mismo gagawa ng
panibago nating nobela
No comments:
Post a Comment